Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre, 2021

IBA PANG GAMIT NG PANDIWA

 GAMIT NG PANDIWA   1. Tagaganap – ang pokus ng pandiwa kung ang paksa o simuno ng pangungusap ang tagaganap ng kilos ng pandiwa. Sinasagot nito ang tanong na Sino. Hal. Nagluto ng masarap na pananghalian si ama . Pandiwa – Nagluto / Tagaganap/Aktor – ama Naglaro ng basketbol si Carlo. Pandiwa – Naglaro / Tagaganap/Aktor – Carlo   2. Layon o Gol - ang pokus ng pandiwa kung ang layon ay siyang paksa o binibigyang – diin sa pangungusap. Sinasagot ang tanong na Ano . Hal : Pinag-usapan ng mga tao ang kaguluhan naganap sa kanto. Pansinin : Ang salitang pinag-usapan na tumutukoy sa kaguluhan na siyang paksa ng pangungusap at makikita rin ang panandang ang.   3. Pinaglalaanan/Tagatanggap – pokus ng pandiwa ang pandiwa kung ang tao o bagay na nakinabang sa resulta ng kilos ng pandiwa ang paksa ng pangungusap.   Hal: Ipinagluto ni Ina ng paboritong ulam si bunso. Pansinin: Ang salitang si bunso ang nagsisilbing kalaanan o tumatanggap ng kilos ng pandiwang Ipinagluto

MGA ANGKOP NA PANG-UGNAY NA GINAGAMIT SA PAGSASALAYSAY

    MGA ANGKOP NA PANG-UGNAY NA GINAGAMIT SA PAGSASALAYSAY          Sa pagsasalaysay, gumamit ng mga pang-ugnay na nagdaragdag o nag-iisa- isa ng mga impormasyon o pangyayari. Bigyang-pansin ang mga salitang may salungguhit upang higit itong maunawaan.           Kabilang din sa pagsasalaysay ang pagpapahayag ng resulta o maaaring kinalabasan ng pangyayari. HALIMBAWA:   Unang lumaban si Sulayman sa halimaw na umalipin sa mga kaawa-awang taga- Maguindanao. Sa dakong huli si Indarapatra ang nagwagi sa laban sa mga halimaw. Sa madaling sabi , nailigtas nina Indarapat at Sulayman ang mga taga-Maguindanao.   HALIMBAWA:   May pagsusulit bukas si Boboy kaya hindi siya mapakali “O, bakit anong problema?” ang pansin ng kaniyang nanay. “Para kang sinisilihan sa puwit, a! Nahihilo tuloy ako sa iyo. Bakit nga ba?” “E, Ma, may test ho kasi ako sa Math bukas,” nagkakamot ng ulong sagot ni Boboy. “O, e ano nga problema? Kung nag-aaral kang mabuti tiyak na magiging madali sa iyo ang test mo

PARABULA AT ELEMENTO NITO

 PARABULA AT  ELEMENTO NG PARABULA Parabula - isang akdang pampanitikan na umaakay sa tao sa matuwid na landas ng buhay. Ito ay isang maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan. Realistiko ang banghay at ang mga tauhan ay tao. Ang mga parabula ay may tonong mapagmungkahi at maaaring may sangkap ng misteryo.                                             - Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA     ELEMENTO NG PARABULA 1. Tauhan - ito ang mga karakter na gumaganap sa istorya o kwento. 2. Tagpuan - tumutukoy sa oras, panahon, at lugar na pinangyarihan                       ng  kuwento. 3. Banghay - ang sunod-sunod na pangyayari na naganap sa kwento. 4. Aral - mga mahalagang matututunan pagkatapos mabasa ang                kwento.

ANG TUSONG KATIWALA

 ANG TUSONG KATIWALA  (Lukas 16:1-15) Philippine Bible Society   1) Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga alagad, “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian. 2) Kaya’t ipinatawag niya ang katiwala at tinanong, ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.’ 3) Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, ‘Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos. 4) Alam ko na ang aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan. 5) Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo. Tinanong niya ang una, ‘Magkano ang utang mo sa aking amo?’ 6) Sumagot ito, ‘Isandaang tapayang langis po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka’t palitan mo, gawin mong limampu,’ sabi ng katiwala. 7) At tinanong

ROMULUS AT REMUS

ROMULUS AT REMUS (Mitolohiya mula sa Roma)      Isang Latinang prinsesa na nagngangalang Rhea ang hinuli ng kaniyang masamang tiyuhin upang hindi siya manganak. Iniwan ni Rhea ang kanyang tiyo at nagpakasal kay Mars, ang diyos ng digmaan. Nagsilang ng kambal na lalaki, sina Romulus at Remus. Ang masamang tiyuhin ay nainggit kung kaya’t pinatay niya sina Rhea at Mars. Inutusan niya ang isang alipin upang patayin ang kambal.      Hindi magawang patayin ng alipin ang kambal kung kaya’t inilagay niya ang mga ito sa isang basket at pinaanod sa Ilog Tiber. Inampon ang kambal ng isang babaeng lobo na kakamatay pa lamang ng mga anak nito. Inalagaan at pinasuso sina Romulus at Remus ng lobo hanggang sila ay matagpuan at masagip ng isang magpapastol      Itinuring ang kambal na parang tunay na anak ng mag-asawang pastol. Lumaki sina Remus at Romulus na malusog at malakas. Iniwan nila ang tahanan upang magtatag ng siyudad malapit sa Ilog Tiber.     Tinawag niyang Roma ang siyudad hango sa ka

MGA DIYOS AT DIYOSA NG MITOLOHIYA

 MGA DIYOS AT DIYOSA NG MITOLOHIYA           Ang mga nabanggit mula sa aklat na Mitolohiya ni Hamilton ay mahahalagang tauhan sa Olympus na laging nababanggit sa panulat lalo na noong Panahong Klasiko. Ang impluwensiya ng panahong ito’y nasasalamin sa ating panitikan noong Panahon ng Panitikang Katutubo kung saan ang unang uri ng panitikan ng Pilipinas ay pasalin-dila tulad ng alamat, mito, kuwentong-bayan, epiko, at mga karunungang-bayan. (mula sa Panitikan ng Pilipinas nina Panganiban, Panganiban,1998)   Greek Roman              Katangian at Kapangyarihang Taglay   1. Zeus Jupiter - hari ng mga diyos; diyos ng kalawakan at panahon - asawa niya si Juno - sandata niya ang kulog at kidlat - tagapagparusa sa mga sinungaling at    hindi  marunong  tumupad sa pangako 2. Hera Juno - reyna ng mga Diyos - tagapangalaga ng pagsasama ng mag-asawa, - asawa ni Jupiter 3. Pose

GAMIT NG PANDIWA

Imahe
GAMIT NG PANDIWA BILANG  AKSYON, PANGYAYARI AT KARANASAN       Ang PANDIWA ay ang bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos.  Iba’t-iba ang gamit ng pandiwa. Ginagamit ito sa pagpapahayag ng aksiyon, karanasan, at pangyayari. 1 . 1. AKSYON ·      May aksiyon ang pandiwa kapag may aktor o tagaganap ng aksiyon/kilos. ·     Mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng mga panlaping: -um, mag- ma-, mang-,          maki-, mag-an. ·      Maaring tao o bagay ang aktor          H ALIMBAWA:          1. Naglakbay si Bugan patungo sa tahanan ng mga diyos.              2.  Tumalima si Psyche sa lahat ng gusto ni Venus.                       PANDIWA-AKSYON                                                           AKTOR (salitang nagsasaad ng kilos)                       (gumawa ng kilos na isinasaad ng Pandiwa)       1.        Naglakbay                                                                       si Bugan      2.        Tumalima                                                     

MGA TAUHAN SA FLORANTE AT LAURA

MAHAHALAGANG TAUHAN SA  FLORANTE AT LAURA Florante Si Florante ang pangunahing bida ng Florante at Laura, at halos lahat ng mga bahagi ng salaysay ay umiikot sa kanya. Anak ni Duke Briseo, siya ay ang mang-iibig ni Laurang Prinsesa ng Kaharian ng Albanyang namataan ni Florante bago siya sumabak sa isang digamaan nang ang bayan ng kanyang inang, si Prinsesa Floresca, Krotona ay sinakop ng mga Morong Persyano. Mula sa kagitnaan hanggang sa bandang katapuasan ng salaysay, siya ang nagsasalaysay. Ito ay isinasalaysay niya kay Aladin, ang Morong nagligtas sa kanya mula sa mga leon nang siya ay nakagapos pa dahil sa Konde Adolfo. Konde Adolfo Sa Florante at Laura, si Konde Adolfo ang isa sa mga pangunahing kontrabida nito. Anak siya ng Konde Sileno, at pareho silang nagmula sa Albanya. Unang nagkita sina Konde Adolfo at Florante sa Atenas kung saan nag-aral sila pareho. Nangangagwat ang kanilang gulang nang dalawang taon, kung saan si Adolfo ang mas matanda. Noong kakarating pa lamang n

MITOLOHIYA

Imahe
  o    Ang mitolohiya ay isang tradisyunal na salaysay na isinilang mula sa sinapupunan ng kultura ng tradisyong oral. o    Ang salitang mitolohiya ay hango sa salitang Griyego na mythos na ang ibig sabihin ay kuwento. o    Ang mitolohiya ay isang natatanging kuwento na kadalasang tumatalakay sa kultura, sa mga diyos o bathala at ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao. o    Maaaring nagsimula ang mitolohiya mula nang magsimulang magtanong ang tao tungkol sa pagkakalikha ng mundo at ano ang kanilang tungkulin dito. o    Sa pamamagitan ng mitolohiya ay nabibigyan ng kalinawan ang mga kababalaghang pangyayari at ang mga nakatatakot na puwersa sa daigdig tulad ng pagbabago ng panahon, apoy, kidlat, pagkagutom, pagbaha, at kamatayan.        Sa Klasikal na Mitolohiya ang mito/ myth ay representasyon ng marubdob na pangarap at takot ng mga sinaunang tao. Nakatutulong ito upang maunawaan ng mga sinaunang tao ang misteryo ng pagkakalikha ng mundo, ng tao, ng mga katangi

ANG PANITIKAN

       Ang panitikan ay nagpapakita ng pagbabago: pagbabagong mistikal, pagbabagong bunsod ng magiting na pagkilos, pagbabago ng paniniwala, ng nakagawian, ng pagkatao at ng takbo ng pamumuhay. Ang mga pagbabagong ito ay maningning na masisilayan sa mga panitikan ng isang bansa na nalinang sa paggamit ng kawikaan at pambihirang katawagan, matatalinghaga at makatawag-pansing pananalita, at ang pagpapaangat ng kamalayang kultural sa pamamagitan ng paglalahad, pagsasalaysay, paglalarawan at pangangatuwiran.