ROMULUS AT REMUS

ROMULUS AT REMUS

(Mitolohiya mula sa Roma) 


    Isang Latinang prinsesa na nagngangalang Rhea ang hinuli ng kaniyang masamang tiyuhin upang hindi siya manganak. Iniwan ni Rhea ang kanyang tiyo at nagpakasal kay Mars, ang diyos ng digmaan. Nagsilang ng kambal na lalaki, sina Romulus at Remus. Ang masamang tiyuhin ay nainggit kung kaya’t pinatay niya sina Rhea at Mars. Inutusan niya ang isang alipin upang patayin ang kambal.
    Hindi magawang patayin ng alipin ang kambal kung kaya’t inilagay niya ang mga ito sa isang basket at pinaanod sa Ilog Tiber. Inampon ang kambal ng isang babaeng lobo na kakamatay pa lamang ng mga anak nito. Inalagaan at pinasuso sina Romulus at Remus ng lobo hanggang sila ay matagpuan at masagip ng isang magpapastol
    Itinuring ang kambal na parang tunay na anak ng mag-asawang pastol. Lumaki sina Remus at Romulus na malusog at malakas. Iniwan nila ang tahanan upang magtatag ng siyudad malapit sa Ilog Tiber.
    Tinawag niyang Roma ang siyudad hango sa kanyang pangalan at siya ang naging unang hari ng Siyudad sa Roma. Ninais ng kambal na isunod sa kanilang pangalan ang siyudad ngunit hindi sila magkasundo kung sino ang mamumuno sa lungsod. Naglaban ang dalawa at napatay ni Romulus si Remus.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

GAMIT NG PANDIWA

MGA ANGKOP NA PANG-UGNAY NA GINAGAMIT SA PAGSASALAYSAY

IBA PANG GAMIT NG PANDIWA