MGA DIYOS AT DIYOSA NG MITOLOHIYA

 MGA DIYOS AT DIYOSA NG MITOLOHIYA

        Ang mga nabanggit mula sa aklat na Mitolohiya ni Hamilton ay mahahalagang tauhan sa Olympus na laging nababanggit sa panulat lalo na noong Panahong Klasiko. Ang impluwensiya ng panahong ito’y nasasalamin sa ating panitikan noong Panahon ng Panitikang Katutubo kung saan ang unang uri ng panitikan ng Pilipinas ay pasalin-dila tulad ng alamat, mito, kuwentong-bayan, epiko, at mga karunungang-bayan. (mula sa Panitikan ng Pilipinas nina Panganiban, Panganiban,1998)
 

Greek

Roman

             Katangian at Kapangyarihang Taglay

 

1. Zeus
Jupiter
- hari ng mga diyos; diyos ng kalawakan at panahon
- asawa niya si Juno
- sandata niya ang kulog at kidlat
- tagapagparusa sa mga sinungaling at 
  hindi marunong tumupad sa pangako

2. Hera
Juno
- reyna ng mga Diyos
- tagapangalaga ng pagsasama ng mag-asawa,
- asawa ni Jupiter

3. Poseidon
Neptune
- kapatid ni Jupiter
- hari ng karagatan, lindol
- kabayo ang kaniyang simbolo

4. Hades
Pluto
- kapatid ni Jupiter
- panginoon ng impiyerno

5. Ares
Mars
- diyos ng digmaan
- buwitre ang ibong maiuugnay sa kaniya

6. Apollo
Apollo
- diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika, 
  panulaan
- diyos din siya ng salot at paggaling
- dolphin at uwak ang kaniyang simbolo

7. Athena
Minerva
- diyosa ng karunungan, digmaan, at katusuhan
- kuwago ang ibong maiuugnay sa kaniya

8. Artemis
Diana
- diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop, at ng buwan

9. Hephaestus
Vulcan
- diyos ng apoy, bantay ng mga diyos

10. Hermes
Mercury
- mensahero ng mga diyos, paglalakbay, 
  pangangalakal, siyensiya, pagnanakaw, at 
  panlilinlang

11. Aphrodite
Venus
- diyosa ng kagandahan, pag-ibig,
- kalapati ang ibong maiuugnay sa kaniya

12. Hestia
Vesta
- kapatid na babae ni Jupiter
- diyosa ng apoy mula sa pugon

 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

GAMIT NG PANDIWA

MGA ANGKOP NA PANG-UGNAY NA GINAGAMIT SA PAGSASALAYSAY

IBA PANG GAMIT NG PANDIWA