MGA ANGKOP NA PANG-UGNAY NA GINAGAMIT SA PAGSASALAYSAY

 

 MGA ANGKOP NA PANG-UGNAY NA GINAGAMIT SA PAGSASALAYSAY


        Sa pagsasalaysay, gumamit ng mga pang-ugnay na nagdaragdag o nag-iisa- isa ng mga impormasyon o pangyayari. Bigyang-pansin ang mga salitang may salungguhit upang higit itong maunawaan.

        Kabilang din sa pagsasalaysay ang pagpapahayag ng resulta o maaaring kinalabasan ng pangyayari.


HALIMBAWA: 

Unang lumaban si Sulayman sa halimaw na umalipin sa mga kaawa-awang taga- Maguindanao. Sa dakong huli si Indarapatra ang nagwagi sa laban sa mga halimaw. Sa madaling sabi, nailigtas nina Indarapat at Sulayman ang mga taga-Maguindanao.

 HALIMBAWA: 

May pagsusulit bukas si Boboy kaya hindi siya mapakali “O, bakit anong problema?” ang pansin ng kaniyang nanay. “Para kang sinisilihan sa puwit, a! Nahihilo tuloy ako sa iyo. Bakit nga ba?” “E, Ma, may test ho kasi ako sa Math bukas,” nagkakamot ng ulong sagot ni Boboy. “O, e ano nga problema? Kung nag-aaral kang mabuti tiyak na magiging madali sa iyo ang test mo.” “E, ‘yon nga ho ang problema, Ma. Hindi ho kasi ako nag-aral ng ilang araw na. “Dahil ho kay Jenny, ang sarap kasi niyang kausap sa telepono.” “Hayun! Dahil sa kalokohan mo’y babagsak ka. Ba, maliban na lang kung mag-aaral kang mabuti, tiyak na maipapasa mo ang kahit anong test.” “Lagot, nasermonan na tuloy ako!” at lalong napakamot na lamang sa ulo si Boboy.

 

        Pasalita man o pasulat, nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang diskurso ang paggamit ng mga salitang nagsasama-sama o nag-uugnay ng isang ideya sa mga kasunod na ideya. 

        Tinatawag sa Ingles na cohesive devices ang ganitong salita. Sa komunikatibong gramatikang ito ng wikang Filipino, tinatawag na pang-ugnay ang mga ito. Sa pagkakaroon ng organisadong mga pangyayari sa bawat bahagi, madali ngayong matutukoy ang mensaheng nakapaloob dito. May mga angkop na pang- ugnay na ginagamit sa pagsasalaysay. 


        Tunghayan ang mga nakatalang impormasyon tungkol dito upang mabatid kung paano makatutulong ang mga pang-ugnay sa pagsasalaysay upang mabisang maunawaan ang mensaheng nakapaloob sa akdang pampanitikan.


    Ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari ang mga pang-ugnay o panandang pandiskurso Narito ang mahahalagang gamit nito:


a. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari o pag-iisa-isa ng mga impormasyon. Kabilang dito ang mga salitang: pagkatapos, saka, unang, sumunod na araw, sa dakong huli, pati, isa pa, at gayon din.


b. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng dahilan at bunga, paraan at layunin, paraan at resulta maging sa pagpapahayag ng kondisyon at kinalabasan. Kabilang na pang-ugnay sa bahaging ito ang dahil sa, sapagkat at kasi. Samantalang sa paglalahad ng bunga at resulta ginagamit ang pang-ugnay na kaya, kung kaya, kaya naman, tuloy at bunga.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

GAMIT NG PANDIWA

IBA PANG GAMIT NG PANDIWA