MGA TAUHAN SA FLORANTE AT LAURA

MAHAHALAGANG TAUHAN SA 

FLORANTE AT LAURA


Florante

Si Florante ang pangunahing bida ng Florante at Laura, at halos lahat ng mga bahagi ng salaysay ay umiikot sa kanya. Anak ni Duke Briseo, siya ay ang mang-iibig ni Laurang Prinsesa ng Kaharian ng Albanyang namataan ni Florante bago siya sumabak sa isang digamaan nang ang bayan ng kanyang inang, si Prinsesa Floresca, Krotona ay sinakop ng mga Morong Persyano. Mula sa kagitnaan hanggang sa bandang katapuasan ng salaysay, siya ang nagsasalaysay. Ito ay isinasalaysay niya kay Aladin, ang Morong nagligtas sa kanya mula sa mga leon nang siya ay nakagapos pa dahil sa Konde Adolfo.


Konde Adolfo

Sa Florante at Laura, si Konde Adolfo ang isa sa mga pangunahing kontrabida nito. Anak siya ng Konde Sileno, at pareho silang nagmula sa Albanya. Unang nagkita sina Konde Adolfo at Florante sa Atenas kung saan nag-aral sila pareho. Nangangagwat ang kanilang gulang nang dalawang taon, kung saan si Adolfo ang mas matanda. Noong kakarating pa lamang ni Florante sa Atenas, si Adolfo ang pinakasikat na mag-aaral doon. Ito ay buhat ng kanyang angking talino at "kabaitan". Ngunit habang tumatagal ang panahon, unti-unti ring napunta kay Florante ang kapurihan ni Adolfo. At dahil dito, pinagtangkaan pa nga niyang patayin si Florante sa isang dula-dulaan, na nagdulot ng pagkakita sa lahat ng kanyang pagbabalat-kayo, at pagpapaalis sa Atenas pabalik ng Albanya sa ilalim ng utos ng kanyang gurong si Antenor.


Aladin

Si Aladin ay isang Morong Persyanong tumulong kay Florante, at nagligtas ng kanyang buhay. Ang kanyang ama ay si Sultan Ali-Adab na siya ring umagaw sa kanyang kasintahang si Flerida. Si Aladin at Florante ay nagkita nang hindi sinasadya, at karamihan ng mga bahagi ng awit ay isinasalaysay sa kanya ni Florante. Siya rin ang idolo ni Florante bilang pinakamagaling na mandirigma, ngunit sa kanilang pagkikita ay hindi alam ni Florante na ang kausap niya ay si Aladin, ang kanyang idolo. Sa katapusan ng awit, nang mamatay ang Sultan Ali-Adab ng Persya, siya na ang naging sultan.


Laura

Si Laura ang minamahal nang lubos ni Florante. Anak ng Haring Linceo ng Albanya, siya ang prinsesa ng kahariang ito. Siya ay nagmamay-ari ng lubos na kagandahang ipinuring lubos ni Floranteng nadulot sa kanyang umibig kay Laura sa unang pagkakakita pa lamang. Sa simula ng awit, siya ay ikaluluksa ni Florante dahil sa kanyang pag-aakala na nililo siya ni Laura sa pagpapalit sa kanya kay Konde Adolfo.

          
Menandro


Si Menandro ang matalik na kaibigan ni Florante sa Atenas na lumigtas din ng buhay ni Florante mula sa mga tagang nakakamatay ni Adolfong kanyang tinaga nang kanyang tangkaing patayin si Florante sa isang dula-dulaan nila sa kanilang paaralan sa Atenas. Bukod pa sa pagliligtas ng buhay niya, marami pa siyang ginawa para kay Florante, at noong sinakop ang Albanya nang makailang ulit, kasama siya ni Florante sa pakikibaka.


Flerida

Si Flerida ang kasintahan ni Alading inagaw mula sa kanya ni Sultan Ali-Adab. At sa pagpapangakong pagpapakasal sa Sultan, napagpabago niya ang isip nito sa pagbitay kay Aladin. Ngunit sa katotohanan, hindi niya tinupad ang pag-aako, at tumakas sa araw ng kasal.


Duke Briseo


Si Duke Briseo ang maarugaing ama ni Florante, at naglilingkod bilang sariling tanungan ng Haring Linceo ng Albanya. Siya ay pinatay at ipinaghagisan ang bangkay nito ng mga alagad ng Konde Adolfo nang kanyang agawin ang trono ng Haring Linceo.


Prinsesa Floresca

Si Prinsesa Floresca ang ina ni Florante. Siya ay mula sa bayan ng Krotona, at maaagang namatay, na nagdulot sa pag-uwi ni Florante mula sa Atenas pabalik ng Albanya.


Antenor

Si Antenor ay isang guro sa Atenas nina Florante, Konde Adolfo at Menandro.


Menalipo

Si Menalipo ay isang pinsan ni Florante. Iniligtas niya si Florante mula sa isang buwitreng dadagitin siya sana nang siyang isang sanggol pa lamang gamit ang kanyang pana at busog. Ipinapakita nito na si Menalipo ay higit na mas matanda kaysa kay Florante.


Konde Sileno

Si Konde Sileno ang ama ni Konde Adolfong ayon kay Florante ay marangal.


Haring Linseo

Si Haring Linseo ang hari ng Kaharian ng Albanya, at ama ni Laura. Ang kanyang pamumuno ay nagtapos nang mayroong kumalat na usap-usapan tungkol sa pag-uutos daw niyang harangin ang imbakan ng trigo upang gutumin ang mga tao ng Albanya. Ang usap-usapang itong pinasimulan ni Konde Adolfo ang nagpaalab ng mga damdamin ng mga tao sa Albanyang nagdulot sa pag-aaklas nila. Ang pag-aaklas namang ito ang ginamit ni Konde Adolfo upang maiupo ang sarili sa trono.


Sultan Ali-Adab

Si Sultan Ali-Adab ang sultan ng Persyang umagaw sa kasintahan ni Alading si Flerida. Siya ay isang malupit na ama. Pinatawan niya ng kamatayan si Aladin, ang kanyang anak, dahil daw sa pagkatalo niya sa Persya, ngunit ang totoong dahilan dito ay upang makuha niya si Flerida mula sa kanyang anak. Ngunit hindi natuloy ang pagbitay kay Aladin, nang nangako si Flerida na kanyang pakakasalan ang Sultan, isang pangako na hindi rin natuloy nang tumakas si Flerida sa mismong araw ng kasal; ang naging hatol na lamang kay Aladin ay pagpapatalsik mula sa Persyang kailanman ay hindi niya mababalikan.


Osmalik

Si Osmalic ang heneral ng hukbong Persyanong sumakop sa Krotona sa ilalim ng utos ni Aladin.


Miramolin

Si Miramolin ang pinuno ng mga mananakop ng Albanya mula sa Turkiya.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

GAMIT NG PANDIWA

MGA ANGKOP NA PANG-UGNAY NA GINAGAMIT SA PAGSASALAYSAY

IBA PANG GAMIT NG PANDIWA