IBA PANG GAMIT NG PANDIWA

 GAMIT NG PANDIWA


 

1. Tagaganap – ang pokus ng pandiwa kung ang paksa o simuno ng pangungusap ang tagaganap ng kilos ng pandiwa. Sinasagot nito ang tanong na Sino.

Hal. Nagluto ng masarap na pananghalian si ama.

Pandiwa – Nagluto / Tagaganap/Aktor – ama

Naglaro ng basketbol si Carlo.

Pandiwa – Naglaro / Tagaganap/Aktor – Carlo

 

2. Layon o Gol - ang pokus ng pandiwa kung ang layon ay siyang paksa o binibigyang – diin sa pangungusap. Sinasagot ang tanong na Ano.

Hal: Pinag-usapan ng mga tao ang kaguluhan naganap sa kanto.

Pansinin: Ang salitang pinag-usapan na tumutukoy sa kaguluhan na siyang paksa ng pangungusap at makikita rin ang panandang ang.

 

3. Pinaglalaanan/Tagatanggap – pokus ng pandiwa ang pandiwa kung ang tao o bagay na nakinabang sa resulta ng kilos ng pandiwa ang paksa ng pangungusap.

 Hal: Ipinagluto ni Ina ng paboritong ulam si bunso.

Pansinin: Ang salitang si bunso ang nagsisilbing kalaanan o tumatanggap

ng kilos ng pandiwang Ipinagluto

 

4. Kagamitan/Instrumental – ang tawag sa instrumento o kasangkapan sa pagsasagawa ng kilos na isinasaad ng pandiwa na gumaganap bilang paksa o simuno ng pangungusap.

 Hal: Ipinantali niya ang lubid sa puno upang hindi matumba sa paparating

na bagyo.

Pansinin: Ang simuno o paksa ay ang lubid at ang nagsisilbing instrumento

sa kilos ng pandiwang Ipinantali


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

GAMIT NG PANDIWA

MGA ANGKOP NA PANG-UGNAY NA GINAGAMIT SA PAGSASALAYSAY