ANG TUSONG KATIWALA
ANG TUSONG KATIWALA
(Lukas 16:1-15)
Philippine Bible Society
1) Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang
mga alagad, “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang
nilulustay nito ang kaniyang ari-arian. 2) Kaya’t ipinatawag niya ang
katiwala at tinanong, ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang
ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.’ 3)
Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, ‘Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako
ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya
naman akong magpalimos. 4) Alam ko na ang aking gagawin! Maalis man ako
sa pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan.
5) Isa-isa niyang tinawag
ang mga may utang sa kaniyang amo. Tinanong niya ang una, ‘Magkano ang utang mo
sa aking amo?’ 6) Sumagot ito, ‘Isandaang tapayang langis po.’ ‘Heto ang
kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka’t palitan mo, gawin mong
limampu,’ sabi ng katiwala. 7) At tinanong naman niya ang isa, ‘Ikaw,
gaano ang utang mo?’ Sumagot ito, ‘Isandaang kabang trigo po.’ ‘Heto ang
kasulatan ng iyong pagkakautang,’ sabi niya. ‘Isulat mo, walumpu.’ 8) Pinuri
ng amo ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang
mga makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos sa
paggamit ng mga bagay ng mundong ito. 9) At nagpatuloy si Hesus sa
pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng
mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon
ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan. 10) Ang
mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking
bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay.
11) Kaya kung hindi kayo
mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo
ng tunay na kayamanan? 12) At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa
kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo? 13) “Walang
aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon sapagkat
kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang
isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos
at sa kayamanan.” 14) Nang marinig ito ng mga Pariseo, kinutya nila si
Jesus sapagkat sakim sila sa salapi. 15) Kaya’t sinabi niya sa kanila,
“Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang
nilalaman ng inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao
ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento