MITOLOHIYA
o Ang
mitolohiya ay isang tradisyunal na salaysay na isinilang mula sa sinapupunan ng
kultura ng tradisyong oral.
o Ang
salitang mitolohiya ay hango sa salitang Griyego na mythos na ang ibig
sabihin ay kuwento.
o
Ang
mitolohiya ay isang natatanging kuwento na kadalasang tumatalakay sa kultura,
sa mga diyos o bathala at ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga
tao.
o Maaaring
nagsimula ang mitolohiya mula nang magsimulang magtanong ang tao tungkol sa
pagkakalikha ng mundo at ano ang kanilang tungkulin dito.
o Sa pamamagitan ng mitolohiya ay nabibigyan ng kalinawan ang mga kababalaghang pangyayari at ang mga nakatatakot na puwersa sa daigdig tulad ng pagbabago ng panahon, apoy, kidlat, pagkagutom, pagbaha, at kamatayan.
Sa Klasikal na Mitolohiya ang mito/myth ay representasyon ng marubdob na pangarap at takot ng mga sinaunang tao. Nakatutulong ito upang maunawaan ng mga sinaunang tao ang misteryo ng pagkakalikha ng mundo, ng tao, ng mga katangian ng iba pang mga nilalang.
Hindi man ito kapani-paniwalang kuwento ng mga diyos, diyosa, at mga bayani, tinuturing itong sagrado at pinaniniwalaang totoong naganap. Karaniwang may kaugnayan ito sa teolohiya at ritwal. Sa Pilipinas naman, ang mito ay kinabibilangan ng mga kuwentong-bayang naglalahad ng tungkol sa mga anito, diyos at diyosa, mga kakaibang nilalang, at sa mga pagkagunaw ng daigdig noon.
1. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig
2. Ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan
3. Maikuwento ang mga sinaunang gawaing panrelihiyon
4. Magturo ng mabuting aral
5. Maipaliwanag ang kasaysayan
6. Maipahayag ang marubdob na pangarap, matinding takot, at pag-asa ng sangkatauhan
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento