GAMIT NG PANDIWA

GAMIT NG PANDIWA BILANG 
AKSYON, PANGYAYARI AT KARANASAN 


    Ang PANDIWA ay ang bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos. Iba’t-iba ang gamit ng pandiwa. Ginagamit ito sa pagpapahayag ng aksiyon, karanasan, at pangyayari.


1. 1. AKSYON
·    May aksiyon ang pandiwa kapag may aktor o tagaganap ng aksiyon/kilos.
·    Mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng mga panlaping: -um, mag- ma-, mang-,          maki-, mag-an.
·    Maaring tao o bagay ang aktor

        HALIMBAWA:
         1. Naglakbay si Bugan patungo sa tahanan ng mga diyos.
            2. Tumalima si Psyche sa lahat ng gusto ni Venus.
     
                PANDIWA-AKSYON                                                        AKTOR
(salitang nagsasaad ng kilos)                       (gumawa ng kilos na isinasaad ng Pandiwa)
     1.       Naglakbay                                                                       si Bugan
     2.       Tumalima                                                                        si Psyche



2. 2. KARANASAN

  • Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may damdamin. Dahil dito, may nakararanas ng damdamin na inihuhudyat ng pandiwa. Maaring magpahayag ang pandiwa ng karanasan o damdamin/emosyon. Sa ganitong sitwasyon may tagaranas ng damdamin o saloobin.

HALIMBAWA

      1. Tumawa si Bumabbaker sa paliwanag ni Bugan.
      2. Nalungkot ang lahat nang mabalitaan ang masamang nangyayari.

 

PANDIWA-KARANASAN                                              AKTOR
(salitang nagsasaad ng damdamin)                   (sino ang nakaranas ng damdamin)
     1.       Tumawa                                                         si Bumabbaker
     2.       Nalungkot                                                      ang lahat



3. PANGYAYARI

  • Ang pandiwa ay resulta ng isang pangyayari.

HALIMBAWA

1.       1. Sumasaya ang mukha ni Venus sa nakikita niya sa paligid.
     2. Nalunod ang mga tao sa matinding baha.

 

PANDIWA-KARANASAN                                                RESULTA
(salitang nagsasaad ng pangyayari)                            (resulta ng pangyayari)
     1.       Sumasaya                                                 sa nakikita niya sa paligid
     2.       Nalunod                                                         sa matinding baha












Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

MGA ANGKOP NA PANG-UGNAY NA GINAGAMIT SA PAGSASALAYSAY

IBA PANG GAMIT NG PANDIWA