IBA PANG GAMIT NG PANDIWA
GAMIT NG PANDIWA 1. Tagaganap – ang pokus ng pandiwa kung ang paksa o simuno ng pangungusap ang tagaganap ng kilos ng pandiwa. Sinasagot nito ang tanong na Sino. Hal. Nagluto ng masarap na pananghalian si ama . Pandiwa – Nagluto / Tagaganap/Aktor – ama Naglaro ng basketbol si Carlo. Pandiwa – Naglaro / Tagaganap/Aktor – Carlo 2. Layon o Gol - ang pokus ng pandiwa kung ang layon ay siyang paksa o binibigyang – diin sa pangungusap. Sinasagot ang tanong na Ano . Hal : Pinag-usapan ng mga tao ang kaguluhan naganap sa kanto. Pansinin : Ang salitang pinag-usapan na tumutukoy sa kaguluhan na siyang paksa ng pangungusap at makikita rin ang panandang ang. 3. Pinaglalaanan/Tagatanggap – pokus ng pandiwa ang pandiwa kung ang tao o bagay na nakinabang sa resulta ng kilos ng pandiwa ang paksa ng pangungusap. Hal: Ipinagluto ni Ina ng paboritong ulam si bunso. Pansinin: Ang salitang si bunso ang nagsisilbing kalaanan o tumatanggap ng kilos...