MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI SA BUHAY NI DR. JOSE P. RIZAL
DR. JOSE PROTACIO RIZAL MERCADO y ALONSO REALONDA
TALA NG BUHAY
- Isinilang
noong ika-19 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna.
- Ang
kanyang magulang ay sina Francisco Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso y Realonda.
- Siya
ay si JOSE PROTACIO RIZAL MERCADO y ALONSO REALONDA.
- Nagpalabas
ng kautusan si Heneral Claveria kaya Rizal ang ginamit ng pamilya.
- Kinilala
bilang isa sa pinakadakilang tao hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba pang
panig ng daigdig.
- Sa
maikling panahon na nabuhay siya sa daigdig ng tatlumpu’t limang taon,
masasabing walang makakapantay sa kanya.
- Dakilang
manggagamot, pulitiko manunulat, dalubwika, guro, magsasaka, mananalaysay at isang mahusay na manlalaro.
- Nagpalabas ng kautusan si Heneral Claveria kaya Rizal ang
ginamit ng pamilya.
- Sa murang edad na tatlo ay kinakitaan na siya ng katalinuhan nang madali
siyang matutong bumasa sa patnubay ng kanyang ina.
- Isa si Justiniano Cruz sa mga gurong matiyagang nagturo kay Rizal noong
siya ay siyam na taong gulang pa lamang.
- Sa
mura pang isip ni Rizal, siya ay ipinadala sa Maynila upang mag-aral sa Ateneo
Municipal de Manila.
- Nagtapos siya ng kursong Bachiller en Artes noong Marso 14, 1877 na may pinakamataas na markang SOBRESALIENTE.
- Sa Unibersidad ng Sto. Tomas ay nagtapos naman siya ng kursong Filosofia
y Letras at Agham sa pagsasaka. Nagtungo siya sa Europa noong Mayo 5, 1882
upang tapusin ang kursong Medisina at Filosofia y Letras sa Madrid, España
noong taong 1884 at 1885.
- Habang
nasa Europa, nag-aral siyang magsalita ng Pranses, Ingles, Italiano at Aleman.
Pinag-aralan niya ang mga wikang ito, hindi para sa kanyang sarili kundi para
sa mga kababayan sa Pilipinas upang makatulong sa pagpapayaman ng kultura at
pamumuhay.
- Marami
siyang naisulat na mga artikulo, mga tula, nobelang pumapaksa sa pag-ibig sa
bayan.
- Dalawa
sa kanyang nobela ang napabantog, ang NOLI ME TANGERE at EL FILIBUSTERISMO.
- Si
Jose Rizal ang nagtatag ng La Liga Filipina, isang lihim na kapisanan sa
Maynila noong Hulyo 8, 1892. Layunin ng kapisanang ito na mabago ang
pamamalakad ng pamahalaan sa Pilipinas sa paraang mapayapa at hindi sa
pamamagitan ng lakas, dahas at paghihimagsik.
- Bumalik
si Rizal sa Pilipinas noong Agosto 5, 1887 upang muling mangibang-bansa para
maiwasan ang pag-uusig sa kanyang nobelang Noli Me Tangere.
- Dahil
sa mga isinulat ni Rizal ay pinaratangan siya at inusig ng mga Kastila.
Pinaratangan siyang kaaway ng simbahan at pamahalaan.
- Sa
bisa ng kautusan ni Kapitan Heneral Despujol, ipinatapon siya sa Dapitan,
Zamboanga.
- Dito
siya nagtayo ng isang maliit na paaralan at labing-apat na bata ang kanyang
tinuruan.
- Sa
kabila ng liham ni Kapitan Heneral Blanco na wala siyang kasalanan, dinakip
siya.
- Pinabilanggo
siya sa Real Fuerza de Santiago o Fort Santiago. Matapos litisin ng hukumang
militar si Rizal, hinatulan siyang barilin sa Bagumbayan o (Luneta na ngayon ay
Rizal Park) noong Disyembre 30, 1896.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento