NOLI ME TANGERE (Unang Nobela ni Dr. Jose P. Rizal)
HUWAG MO AKONG SALINGIN (HAWAKAN) Inialay ni Rizal sa Inang Bayan Nobelang panlipunan, tumatalakay sa pamumuhay, pag-uugali at sakit ng mga mamamayan noon. BUOD NG NOLI ME TANGERE Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na pinag-aral ng kanyang ama sa Europa. Pagkatapos ng pitong taong pamamalagi roon ay nagbalik ito sa Pilipinas. Dahil sa kanyang pagdating ay naghandog si Kapitan Tiyago ng isang salo-salo kung saan ito ay dinaluhan nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya Victorina at ilang matataas na tao, sa lipunan Kastila. Sa hapunang iyon ay hiniya ni Padre Damaso na siyang dating kura ng San Diego, ang binata ngunit ito'y hindi na lamang niya pinansin at magalang na nagpaalam at nagdahilang may mahalagang lalakarin. ...